Entry: Nang maging stuntman si lolo Thursday, April 24, 2008



Kanina galing ako sa PLDT Pasay site (meron kaming ongoing trial for PLDT's Next Generation Network), at dumaan ako through F.B. Harrison (tama ba iyung street na yun?) then kumanan sa Buendia. Pag kanan ko sa Buendia, akalain mo na may isang jeep na hinahabol ng matanda na uugod ugod at langya sa gigil yata niya sa jeep dahil sa hindi tumitigil ang jeep, hayun tinakbo ni lolo at tinalon yung jeep. Tama namang nasa likuran lang ako at laking kaba ko na akala ko mababagok yung ulo ni lolo, pero gulat ako at ang higpit ng kapit ni lolo sa estribo hehehe. Grabe ang tibay ng buto! Nakita ko yung muscle ni lolo, tumubo sa buto hehehe...Iyan ang lolo! Only in the Philippines...






   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments